Sunday, May 24, 2009

gas gas na yung bling bling =]


Nakasakay ako nun sa ‘san agustin bus’ pauwi na ko nun samen galing ako Quezon City. Nadaanan ng sinasakyan kong bus yung hanay ng mga gangster. Halu halo eh may pula may asul may itim at may mga naka FMCC(Francis Magalona Clothing Co.). halos lahat sila eh nagkikintaban mula ulo pababa sa mga suot nilang silver accessories lalu na nakabilad sila sa arawan kaya kitang kita ang kintab ng mga naglalakihan nilang pendant. Aminado naman ako ganun ako date, palakihan ng bling paramihan ng singsing pamahalan ng FUBU(For Us By Us). Pero bigla ko naisip, nasa third world country tayo meaning nasa isang mahirap na bansa. Bakit natin kelangan gayahin at makipagsabayan sa mga negrong nag pauso ng hip-hop? Nasa America sila tayo nasa Pinas ang laki ng diperensha diba?

Sa mga modern hip-hop sa pinas ngayon, mas praktikal na mag suot ng dawg tag imbis na bling bling. choosing a name depends sa personality nung hip-hop na nagsusuot. But it’s not all about the name. maski anung ganda nung name na napili mo but if the ability isn’t there, sayang.

Gasgas na yung rap about bling bling. I mean kung may Lamborghini ka, bakit hindi. Pero nasa third world country tayo, dapat nasa lugar. Filipino is quite hard to use in the hip-hop sense, the bling and the babe lifestyle is not ours. And we all know that pinoy hip-hop is borne out of poverty.

fated to love you =]

‘‘lam ko may feelings ka sakin pero friendship lang talaga maoffer ko sau=[’’

Nung nabasa ko yang text na yan eh di ko lam mararamdaman ko kung masasaktan ba ako, oh mas lalong kelangan ko lumaban or sumuko na lang. pero isa lang talaga nag laro sa isip ko, kung susuko ako dahil lang dun sa sinabi nya eh panu ko mapapakita sa kanya na sincere ako? Chaka nakakapagod din sumuko nu? Kung yung iba napapagod mag hintay ako naman mas mapapagod kung susuko agad… tinry ko na kasi yan dati eh nung bago magbakashon kase lam ko di kami mag kakasama sa college. Maynila ako sha eh sa cavite… chaka di ako naniniwala sa long distance relationship if ever na swertehin ako hahaha. Kaya walang patutunguhan kung maghintay lang ako.

Pero hindi pa nagpapasukan eh bakit bumalik na naman feelings ko sakanya? Nun, sinabi ko na na maghihntay talaga ako at di ako mapapagod. Sabi pa nga nya hindi daw love nararamdaman ko sakanya kundi nachachallenge lang. pero sabi ko ganun yung paraan ko eh. Hindi ko nga lang talaga maexplain sa kanya kung panu ko nasiguradong love na nga yung nararamdaman ko kasi ang hirap ee kahit ako di ko alam…

Aminado din naman ako na hindi ako sigurado na mapapanindigan ko yung sabi ko sa sarili ko na hihintayin ko sha kasi sa dami baman ng makikilala ko sa maynila eh baka unang pasukan pa lang eh malimutan ko mga classmate ko nung high school. Pero kung sakin lang, wag na lang siguro, I mean wag ko na lang sana sha makalimutan. Wag sana ako makahanap ng iba. Gusto ko kasi sha talaga. Lam mo di ku nga rin maintindihan sarili ko eh pero para sabihin ko sayu ang sarap nyang mahalin at masaya na ko na mahal ko sha kahit hindi ganun nararamdaman nya sakin. Diba kung sa iba yun masasaktan na sila? Pero ako wala ako nararamdaman na masakit sa sitwashon namen..tatag no?=] basta ayos na sakin na mahal ko sha at hindi ko hinihiling na mahalin nya din ako. Pero kung mamamahalin nya ko eh di okay…hahaha



Aminado din pala ako na ISA sha sa mga dahilan kaya nawala agad feelings ko kay Kim para tapusin ko kung anu meron samin. Nung gabi nga na yun pagkatapos naming mag break eh naisip ko:
“bakit kaya mas pinili ko yung hindi ako mahal kaysa sa mahal ako”

Haha ang weird nu? Ah eh basta anu man ang mangyari itaboy nya man ako oh saktan wala akong sisisihin kasi ginusto ko to. Basta ang mapapromise ko na lang sa sarili ko eh maghihintay ako hanggang kaya ko..(pero sana wag ako sumuko maghintay aa?=])



“basta sabi ko sau date pag me kelangan ka eh tutulungan pa rin kita bilang kaibigan at hindi muna bilang manliligaw para walang malisha diba?”=]

part 2?

Hi Mr. blogspot, hi reader!!!

Kilala mo pa ba ako? Kung iyo palang naaalala eh ako yung may ari dati nung “bizzysboredom.blogspot”=] na kahit papano ay may mga nagbasa din naman. Halos may 50 views eh. Haha masaya na ko nun pero ngayon gumawa ako ng bago kase halos lahat ng laman ng blog na yun eh puro rap. Bale ngayon hindi na ko mashado nagawa ng rap kase tinatamad na ko =[ chaka sabihin na nating bihasa na qu…haha ang yabang..

Pero ano bang magandang ilaman sa blog na to? Siguro dapat hindi ako mag concentrate sa iisang topic nu? Aii onga pala sensha lang di ako inglisero ngayun kasi kelangan ko maging makabayan ngayun eh.. haha speaking of makabayan diba pag naririnig yun isang tao lang naiisip natin? Oh diba kilala ng lahat… Francis Magalona diba??oha!!! ayan naalala ko na naman sha…tsk =[... naisip ko na noon pa mang hindi na diagnose yung sakit niya matagal na shang patay. Oo nga namatay na siya noon pa.. kapag hindi natin isinasabuhay at iniintindi yung mga kanta nya. Nung hindi natin naintindihan yung “nilamon ng sistema”, “mga praning”, “kaleidoscope world”, at kung tutuusin marami pa…
Masaya tayo sa paggaya sa kanyang porma at pag kabisa ng mga kanta nya pero hindi natin alam ang ibig sabihin nun at kung para saan yun…


Hangga’t hindi natin natatapos ang pinaglalaban nya, minu minuto shang namamatay, at minu minuto shang mamamatay!!!


(haha tamaan na yung tatamaan oh yung BASTA LANG NAKIKINIG SA KANTA NYA!!!) =D